Natatanging Ama 2009

Ang aming Natatanging Ama sa Barangay Pto. Rvias Lote ay maituturing na ipinanganak ng may gintong kutsara s bibig. Batid ng marami na sya ay nanggaling sa isang my sinasabing pamilya. Gayunpaman, ang kanyang katayuan sa buhay ay ituturing nyang magandang kapalaran na ginawa niyang tuntungan upang makatulong sa mga nangangailangan. Likas na matulungin at mapagmahal sa kapwa. Maituturing din na pilatropong hulog ng langit dahil sa dami ng taong kanyang natutulungan at napaligaya.

Nakasilay ng unang liwanag noong ika-27 ng Nobyembre, 1927, ang aming ama ay lumaking may takot sa Diyos at higit sa lahat, kinakitaan ng kababaang loob. Nang magkrus ang landas nila ni Carolina Naval, doon nagsimula ang isang dakilang pag-iibigan na humantong sa harap ng altar. Sa kanilang pagsasama napagkalooban sila ng Diyos ng pitong anak , 1 doktora, 1 inhenyero, 1 CPA, 1 degree holder sa Fashion at Merchandizing, at 1 doctorate sa Work. Hindi lahat ng kaligayahan ay nakakamtam. Ito ang nangyari sa kanila ng ang kanilang junior ay binawian ng buhay at ang isang anak nmn ay special child.

Sa larangan ng business ay naging matagumpay ang aming Ama ng Barangay.  Mula sa transportation business, hanggang sa pagtatayo ng gusali, matagumpay nilang nakamit ang minimithing pag-asenso. Lalo pang umunlad ang kanilang kabuhayan ng pasukin nila ang subdivision development. Isa ang Recar Commercial Complex sa maituturing nilang matatag na kabuhayan.

Likas sa pagiging tahimik na tao, hindi ninyo kakaringan ng mga paglalahad ng kanyang mga natamong tagumpay. Mga kababayan buong pagmamalaki kong inihaharap sa inyo an gaming Natatanging Ama ng Barangay Pto. Rivas Lote, G. Remigio C. Beltran.

Comments